Panawagan kay Senador Mar Araneta Roxas
Ito ay panawagan kay Senador Mar Araneta Roxas na gumawa ng paraan upang ang mga hinaing ng mga empleyado ng Araneta Center (alam naman namin na ang pamilya niya ay isa sa mga may-ari ng Araneta Center) ay mabigyan ng pansin at matulungan na mabigyan ng solusyon ang mga hinaing nga mga empleyado tulad na lang ng mga sumusunod:
- Delayed payment of incentives and bonuses as promised by the management. (Sabi nga, pera na ng mga empleyado na ipinangako ng management ay pinagkikitaan pa ng Araneta Center. Nanghihinayang sila sa magiging interest sa money market for almost 3 years. Sa halip na sa 2002 ibigay, sa 2005 na lang binibigay. Makakatipid pa dahil ang mga resigned employees ay di na babayaran.)
- Delayed increase of salaries as promised based on the PMS and other basis. (Pinagkakakitaan pa rin sa money market for almost 5 months. Sa halip na March ang increase, sa August pa ang bigay. Kung ang isang empleyado ay nagresign ng July, ang kanyang supposed increase ay hindi din niya matatanggap).
- Conversion of unused leaves to cash (pinagpawisan na namin, babawiin pa sa amin kapag di namin nagamit. May mga pagkakataon naman na hindi kami pinapayagan mag leave dahil sa maraming trabaho).
- Pagbabalik ng dating benefits tulad ng FREE TICKETS sa sinehan at company-sponsored shows.
- Overtime pay sa mga nasa supervisory level at low level managers at hindi lang meal allowance.
- Non-suppression of our rights to organize ourselves
- Pagbabalik sa 40 working hours per week na dati na naming natatamasa noon pa, ngunit ginawang 44 working hours per week na walang dagdag na compensation sa mga empleyado.
- Pwersahang pagtanggal sa mga regular na empleyado at pagpapalit ng mga contractuals.
- Equal work, equal pay. Di makatarungang laki ng agwat ng sweldo sa pagitan ng mga rank and file, supervisory, managers at mga VP. Ang karaniwang sweldo ng rank and file ay nasa P8,000 samantalang may mga manager at VP na higit pa sa P50,000 ang kanilang sweldo.
- Payment of the benefits to resigned employees (example, the computation for the PMS for 2002, 2003, 2004 and 2005 was only finalized in December 2005. Employees who resigned in 2005 were not given their bonuses for 2002, 2003 and 2004 dahil resigned na daw sila ng matapos ang computation ng PMS. Di ba kasama din sila sa nagpagod para ma achieve ang mataas na performance noong mga taong iyon?).



