Panawagan kay Senador Mar Araneta Roxas
Ito ay panawagan kay Senador Mar Araneta Roxas na gumawa ng paraan upang ang mga hinaing ng mga empleyado ng Araneta Center (alam naman namin na ang pamilya niya ay isa sa mga may-ari ng Araneta Center) ay mabigyan ng pansin at matulungan na mabigyan ng solusyon ang mga hinaing nga mga empleyado tulad na lang ng mga sumusunod:
- Delayed payment of incentives and bonuses as promised by the management. (Sabi nga, pera na ng mga empleyado na ipinangako ng management ay pinagkikitaan pa ng Araneta Center. Nanghihinayang sila sa magiging interest sa money market for almost 3 years. Sa halip na sa 2002 ibigay, sa 2005 na lang binibigay. Makakatipid pa dahil ang mga resigned employees ay di na babayaran.)
- Delayed increase of salaries as promised based on the PMS and other basis. (Pinagkakakitaan pa rin sa money market for almost 5 months. Sa halip na March ang increase, sa August pa ang bigay. Kung ang isang empleyado ay nagresign ng July, ang kanyang supposed increase ay hindi din niya matatanggap).
- Conversion of unused leaves to cash (pinagpawisan na namin, babawiin pa sa amin kapag di namin nagamit. May mga pagkakataon naman na hindi kami pinapayagan mag leave dahil sa maraming trabaho).
- Pagbabalik ng dating benefits tulad ng FREE TICKETS sa sinehan at company-sponsored shows.
- Overtime pay sa mga nasa supervisory level at low level managers at hindi lang meal allowance.
- Non-suppression of our rights to organize ourselves
- Pagbabalik sa 40 working hours per week na dati na naming natatamasa noon pa, ngunit ginawang 44 working hours per week na walang dagdag na compensation sa mga empleyado.
- Pwersahang pagtanggal sa mga regular na empleyado at pagpapalit ng mga contractuals.
- Equal work, equal pay. Di makatarungang laki ng agwat ng sweldo sa pagitan ng mga rank and file, supervisory, managers at mga VP. Ang karaniwang sweldo ng rank and file ay nasa P8,000 samantalang may mga manager at VP na higit pa sa P50,000 ang kanilang sweldo.
- Payment of the benefits to resigned employees (example, the computation for the PMS for 2002, 2003, 2004 and 2005 was only finalized in December 2005. Employees who resigned in 2005 were not given their bonuses for 2002, 2003 and 2004 dahil resigned na daw sila ng matapos ang computation ng PMS. Di ba kasama din sila sa nagpagod para ma achieve ang mataas na performance noong mga taong iyon?).




i suggest na sumulat tayo sa mga newspapers at radyo para maipaabot natin ang ating mga hinaing para mapansin tayo ni sen. mar roxas. sumulat tayo ng letter to the editor. pwede siguro sabihin natin ang website na ito para makita nila kung may pusong para sa mahihirap si senador mar roxas.
I really agree with what you had recommended…dalhin na natin sa media ang usapan….nang magkaalaman na….
Walang duda na matalino at mabait at magaling na politiko si Mar. Pero mukhang masisira siya sa susunod na pagtakbo niya dahil sa mga injustices na binibigay sa mga empleyado ng Araneta management. Buhos ang suporta ng mga Araneta employees noong kumandidato siyang Senator kaya siya ang naging number 1 sa resulta. Halos lahat ay tumulong sa pamimigay ng leaflets, posters, pamaypay, etc. Lahat ay nangampanya para sa kanya. Noong Christmas Party ay personal na hiningi ni Mr. Araneta at ng kanyang kapatid na si Mrs. Judy Roxas ang suporta ng mga empleyado. Dito rin sa party na ito inanounce na bibigyan daw kami ng bonus yun pala ay magiging utang namin deductible sa PMS.
Ito sana ay magbukas sa kaisipan ng Araneta management na buksan ang puso para sa mga mahihirap na empleyado nito. We are only asking for what is fair and just. Undoubtedly, the poor people are experiencing the hardest times in our economy. How we wish we could put up a Union and deliver our case to NLRC. We do not deny the fact that we get our bread and butter from working with the Aranetas but we are not slaves who can be just trampled upon. We are still grateful but we are just human who gets hurt when we are treated inhumanely.
Through Mr. Mar Roxas, we would like to appeal if you can do something to help us, we are here to continue supporting you if you can intercede for us. We know you care for the poor. We are only asking for a small help only. This will not even affect the millions of income the Aranetas are generating from its big empire.
busy si mar kay korina.
calling Mr. Mar Roxas,
may magagawa ka ba? o hindi mo talaga kami papansinin…
dahil ba sa kami ay mahirap lang at hindi kami makakaapekto sa iyong political career?
ehemmm MAR Roxas,
FYI lang po…lahat po ng ginastos ni Mar roxas noong nakaraang election ay pera ng ACI…nmukhang di nio alam to…kaya kawawang ARaneta Center employees…nagpapawis sila pero walng pinupuntahnan ang mga pinagpapawisan nila
Good luck guys. I remember in one interview this guy was saying na he would like to see the Filipinos live a life of comfort where they can enjoy the benefit of travelling to other places. I’m sure this guy knows how the system here works after all, di ba nag-apprentice kuno siya. Unless he is incredibly dumb, hindi naman siguro naging lingid sa kaalaman niya ang estado ng mga manggagawa ng kumpanya nila. Typical with all politicians, it’s just all spin. You have one politician who keeps on saying that people ought to pay taxes yet continues to benefit from their tax-evading company. IPOKRITO.
Somehow, for somebody who is aspiring or being “aspired (by mama)” to be president, I feel a certain dread for this country.If politics is one moro-moro, mas SWABE lang magpaka-ipokrito and ibang ipokrito. Of course it helps if you have a well-oiled company funded publicity machine. (Ano na nga pala ang nangyari sa separate entity principle ng GAAP? Nung nag-aral ako ng accounting nung college, dapat daw separate ang personal sa company accounts.)
MAR,
Kung tunay ka talagang MR.Palengke siguro dapat mong unang tulungang ang nangangailangan ng tulong, yun ay ang MASA, sila ang nagpanalo sa yo, sila ang nagtiwala sa yo na malaki ang matutulong mo..isa sa masang pilipino ay ang mga empleyado ng Araneta Center, sila ang nangangailangan ng tulong..sa pagpapawis nila kinuha ang mga pinanggastos sa election para lang mapanalo ka..sa kanilang pawis din kinuha ang pambayad kay KORINA SANCHEZ para alng makilala ka ng husto sa buong Pilipinas..sa MASANG PILIPINO ka may Utang na loob..Sana ay madinig mo ang mga hinaing ng bawat empleyado ng Araneta Center…..
eto ata dapat jingle mo sir nun nangangampanya ka pa lang “MARahas MARahas…”
hindi sana nasayang ang boto ko kung alam ko lang ganito ang mangyayari samin. maraming ipinangako ang iyong ina at tyohin.
correct senator mar roxas
wag mong baliwalain ang mga empleyado nyo mas madalng makasira sa isang tao ang salita……mas matalim pa sa talim ng espada ang mga salita!
malaki ang maitutulong ng mga empleyado nyo at baka sila pa ang gamitin ng kalaban mo sa pulitika at 100 percent maghahanap sila ng baho ng pamilya mo para lang di ka manalo.
kaya mr palengke … tulungan mo ang mga empleyado ng inyong kumpanya naka salalay dito ang iyong magandang kinabukasan……