Life and Work in Araneta Center

araneta, araneta center, aranetacenter, cubao, shopping, coliseum, carnival, farmers, market, COD, alimall, shoemart, rustans, shopwise, araneta center,araneta employee, araneta center union,araneta center website,aranetacenter website

Taga Araneta Center ka ba? Halina at ipahayag ang iyong saloobin

Ito ay isang panawagan sa lahat ng nagtatrababaho (at maging sa mga dating empleyado) sa Araneta Center at sa buong Araneta Group na sumali sa ating pag-uusap tungkol sa ating kalagayan at naging kalagayan bilang manggagawa.

Kung may alam ka rin na katiwalian na ginawa ng management ng Araneta Group na sa tingin mo ay may epekto sa atin bilang mamamayan at bilang Pilipino tulad na lang ng hindi tamang pagbayad ng buwis ng Araneta Center at buong Araneta Group, o kaya ay pagsusuhol sa mga taga BIR, maari mo ring ipahayag dito.

Sa pamamagitan ng website na ito, nais din nating maipaabot kay Mr. Palengke (Senador Mar Araneta Roxas), kung ano ang mga nangyayari sa mga empleyado ng mga kompanya na pag-aari ng kanilang pamilya. (Para sa hindi pa nakakaalam, si Senador Mar Roxas ay anak ni Judy Araneta Roxas na kapatid ni Jorge L. Araneta at ni Maria A. Fores). Inaasahan natin na sa pamamagitan ng ating mga boses, pwedeng patunayan ni Senador Mar Roxas kung siya ay talagang maka Pilipino at nagsisilbi sa mga maliliit na tao tulad nating mga empleyado ng kanilang kompanya. (Alam naman namin na naghahangad din si Senador Mar Roxas na maging Presidente ng Pilipinas).

Kaya, halina at ipahayag ang iyong reklamo at saloobin!

July 10, 2006 Posted by aranetacenter | Employees' Corner | | 42 Comments